Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko kung bakit ako nagtake ng exam sa Air Force. Anyway, Im gonna make kwento na lang kung ano mga hinarap ko that time. I am already working as an accounting assistant sa Pasay so medyo hassle kumuha ng permit to take the exam kasi ang time na okay sa kanila is 8 am - 5 pm. Eh thats the same ng pasok ko sa work. So nag undertime ako that time. Dalawa kasi choices sa air force its either candidate soldier o officer. Im gonna put the link below para magkaron kayo ng idea regarding it.
http://philpad.com/how-to-join-the-philippine-air-force-requirements-exam-and-recruitment-2013/
So nung kumuha ako ng test permit yung officer mismo dun ang kumuha ng height and weight ko. And madali lang naman naging proseso. Chika chika.
The hardest thing is nung exam na. Dahil matagal tagal na rin bago ako kumuha ng exam kasi nga may work na ko, nakakapanibago talaga. Para akong kinder na hinatid pa at maraming baon. So the dress code is white shirt and pants tapos any rubber shoes. Mahigpit talaga yung mga officer sa time limit. So nakakapressure yung exam kahit na parang general knowledge lang naman ang mga tanong. Kakapusin ka talaga sa oras. Yung exam is mahirap at kailangan mo talagang magmadali sa pagsagot. Dapat sure ka.
Comments
Post a Comment