This is me back when I don't have braces. I have two pangil. It was really awkward for me to smile back then. So it's either nguso or no ipin style for me. I've waited talaga na magkawork ako so I can save money to have braces.
Having a braces was my ultimate dream since high school. I was bullied for having pangil! People always tell me if I'm a vampire or what.
So when I get a job, I really tried my best to save up. Pero kasi since I now have a job that means also that I have to live on my own. Lahat ng gastos sakin. Wala ka ng mahingan ng suporta since ikaw may work, ikaw pa hihingan. Anyway, back to the topic.
It happened when I go to a clinic kasi yung ngipin ko na may pasta dati natanggal yung pasta. So pinacheck ko if pwede pa ulit pastahan kasi bagang yun eh. So the dentist said na pwede naman daw.Papasta naman ako and tanong tanong kay dentist how much pabrace sa kanya. And then there without any dental xray, nilagyan nya ko ng upper brace! For only 4k ha! Upper lang kasi di ko na kaya pag sa baba. Binunot kasi yung 2 ngipin sa baba ng pangil. Duguan bibig ko after. Im really afraid kasi wala man lang xray na nangyare tapos hindi rin nagbigay ng kit man lang yung dentist. After that experience hindi na ulit ako bumalik sa clinic na yun. Nakakatakot talaga din yung dentist. Yung gums ko grabe sugat sugat kasi sa pagbunot nya ng ngipin ko,
At first nagiisip ako kung san ako magpapaadjust kasi alangan naman na ganyan na lang yan forevs. So ako hanap ako ng affordable. May nakita ako na malapit sa work. So dun ako nagpa adjust. 1500 para sa taas lang na adjust ha! Can afford pa nun si ate eh kaya go large!
Gradually, umookey na yung upper teeth ko. Mind you ha, wala akong molar band niya. Kaya okay na okay lang sakin after all the pain and suffering na naranasan ko.
Nakakasmile na ko. :)
But then nung nabibigatan na ko sa 1500 na adjustment lumipat ako sa iba na clinic. I do all the research talaga finding the cheaper one.
And after all of the long search, nahanap ko na din. 500php per adjustment. YIPEEEEEEEE!
Look at that smile though! HIHIHI WINNER!
After ilang months pa lang yan. HIHIHI Pero nilagyan na ko ng molar band! It hurts the most. Yung gums ko durog na. HUHUHU
LITERAL NA TIIS GANDA.
Comments
Post a Comment